This will be my last post for him (& please stop asking questions about him or about us)
Request niya ‘to sakin dati, ngayon ko lang nagawa. Hindi ko alam kung makikita niya ‘to pero I don’t care kung makita niya o hindi niya makita ;)
This will be my last post for him (& please stop asking questions about him or about us)
Request niya ‘to sakin dati, ngayon ko lang nagawa. Hindi ko alam kung makikita niya ‘to pero I don’t care kung makita niya o hindi niya makita ;)
Gusto kong sabihing “sige, okay lang kaya ko pa naman” pero ano nalang matitira sa sarili ko pag ginawa ko yun? Sinasabi ko na okay lang ako at ngumingiti sa harap ng ibang tao pero kahit pilitin ko maging masaya, dumadating at dumating yung point na pag mag-isa ko, naalala ko lahat. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako magiging ganito. Hindi ko alam kung pano ko magiging okay kung lahat ng bagay sa paligid ko nagpapaalala sayo. :(
One of the hardest parts of life is deciding whether to walk away or try harder.
Happy 29th monthsary! (SANA/DAPAT)
May kumatok sa pinto kaninang hapon pormal na pormal may dalang bulaklak. Hindi pa ko naliligo (galing galing) @ sa totoo lang, sobrang na-surprise ako.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko kasi sa wakas natuto na siyang pahalagahan ako o malulungkot ako kasi pinahalagahan niya ko kung kelan wala na talaga ko sakanya. Ewan ko pero napansin kong ang laki ng pinagbago ko. Hindi ako yung dating Cess na konting pa-sweet lang niya, okay na lahat. Masaya ko kasi natututo na akong panindigan yung mga desisyon ko :)
Hindi naging okay yung lahat sa ginawa niya. Susubukan daw niya kahit sinabi ko na wag na umasa, pano daw siya mananalo kung hindi siya susugal. Tignan nalang natin kung kaya niya kasi kilala ko yun. Hindi marunong maghintay sa isang tao ng napakatagal, mabilis mag sawa sa kakahintay.
Goodluck, bro.